Sa isang pagkatalo ang pagtanggap ang pinakamahirap panindigan. Kapag natalo ka madalas naghahanap ka ng rason para maiturong dahilan ng yong pagkatalo. Minsan nadaya ka, minsan may mali, at kung ano ano pang mga dahilan. Defense mechanism naten yun dahil hinde naten kayang harapin ang katotohanang talo tayo.
Sa buhay madalas nangyayari to.
Ang hinde pagtanggap na mas sexy pa ung tindera ng fishball kesa sayo...
Ang hinde pagtanggap na mas maputi pa ung batang laging naglalaro sa kalye kesa sayo...
Ang hinde pagtanggap na mas may pera ang mga batang nanlilimos kesa sayo...
Ang hinde pagtanggap na sa araw araw na tumataya ka sa lotto ni balik taya hinde ka manalo nalo...
Ang hinde pagtanggap na hiwalay na si Zanjoe at Mariel...
Ang hinde pagtanggap na ni minsan di kapa nanalo sa tong its...
Ang hinde pagtanggap ng mga bagay na alam mo namang talo ka...
Ang hinde pagtanggap na minsan hinde mo mabibili ang bagay na gusto mo....
Ang hinde pagtanggap na ni minsan hinde sumagi sa taong mahal mo na kaya ka nyang mahalin ng katulad ng pagmamahal mo sakanya...
Ang hinde pagtanggap na nakakita na siya ng taong mamahalin nya at pasensya pero hinde ikaw yun...
Ang hinde pagtanggap na nangyayari na ang pinakatatakutan mong manyari at sa harapan mo pa...
Ang hinde pagtanggap na hanggang diyan ka na lang sa kinalalagyan mo...
Mahirap pero kailangan natin tumanggap ng pagkatalo. Hinde lahat ng bagay na gusto mo makukuha mo. Para maging balanse ang buhay mo, matuto kang tumanggap ng pagkatalo!
Matuto kang tanggapin ang iyong katawan at maging confident kahit mataba o payat ka man...
Matuto kang tanggapin at mahalin ang kulay mo dahil pwede kang maging maganda morena ka man o mestizai...
Matuto kang tanggapin kung ano lang ang ibigay sayong biyaya at magpasalamat nalang...
Matuto kang tanggapin na may mga taong mas nangangailangan sayo kaya sila nabibiyayaan ng lotto jackpot...
Matuto kang tanggapin na hinde talaga para sa isa't isa si Zanjoe at Mariel...
Matuto kang tanggapin na mas magaling lang talaga ang mga nakakalaban mo sa tongits kaya ka hinde nanalo...
Matuto kang tanggapin na hinde lahat ng mamahalin mo ay mamahalin ka pabalik. Minsan
hinde sila nakatadhanang maging parte ng buhay mo sa gusto mong paraan. Tanggapin mo kung ano lang ang nakasulat na parte mo sa buhay nila. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa isang lugar na hinde para sayo.
Pag nagawa mo tong lahat at natanggap mo ang lahat ng kailangan mong tanggapin tiyak ang buhay mo ang magiging masaya at gagaan ang iyong pakiramdam.
Sana lang masabi ko to sa sarili ko!
No comments:
Post a Comment